Featured

After Ever After | My Nightmare to Remember

If Taylor Swift is dating for her new album, I’m also dating. I’m dating for my new book. Char! After a year of sleepless nights and a consecutive heartbreaking rejections, I’m so happy to announce that I finally published a new book!

Yes, Print Media are facing tough times, and yes, the internet can offer many things that papers can’t. But pundits and prognosticators have been predicting the death of prints for decades. Radio, TV, and now the internet were all supposed to kill them off, but they’re still here. Still kicking!

From The Rest Is History to After Ever After, it’s a tremendous experience to become a published author. Akala ko hanggang draft na lang ang mga manuscript ko, eh! But, it’s all thanks to TBC Publications. They open their doors with shinning shimmering confetti to all aspiring writers, like me.

This book is edited, cover designed, laid-out/formatted, and printed by TBC Publications! Make your dreams happen by availing their hassle-free and affordable TBC Self-Publishing Services now! Message us for inquiries! https://www.facebook.com/TBCPublications

My Nightmare To Remember is the 2021 version of After Ever After.

It is inspired by an epic courtship about the man who gave up on me when I was completely in love with him. It’s a family feud. A realization between dreams and reality.

I started writing this book when I was 19 years old. It’s like two years in the making and rewriting the story lately is more challenging. It brought me back to my teenage days. A year of distress, grief, and regret.

But then, I’m totally over it and those were just part of the past. Indeed, a nightmare that I have to remember.

As of this moment, I’m currently working on my third novel. A story about the guy I dated recently. HAHAHA! I told yah! Idol ko talaga si Taylor. The new one comes with mature content. Hopefully, matapos ko ang draft within this year.

First and foremost, thank you for spending time to read my precious masterpiece. Maraming thank youuuu. Kamsahamnida! Arigato gozaimazu! I love you all!

https://www.wattpad.com/myworks/56389976-my-nightmare-to-remember

Sure ka bang single siya? TIPS PARA ‘DI KA MA-FALL SA KA-CHAT MO

https://www.bulgaronline.com/post/sure-ka-bang-single-siya-tips-para-di-ka-ma-fall-sa-ka-chat-mo

Marupok kang maituturing kung isang “Hi” o “Slr” lang ng nang-ghost sa ‘yo 1 week ago ay mas mabilis pa sa kidlat ang reply mong “Hello. Okey lang. Kumusta?”

A friendly reminder: Hindi ka PDF file na puwedeng ma-attach basta-basta. Kaunting pakipot naman d’yan, especially girls, hindi porke trending ang pagiging marupok ay makikiuso ka na rin. Have some dignity, okie?!

Pero paano nga ba maiiwasang hindi ma-fall sa taong ka-chat mo araw at gabi?

Bilang concerned citizen, narito ang ilang tips:

1. HUWAG MAG-GOOD NIGHT. Hindi totoong may multo sa gabi, pero maraming nanggo-ghost. ‘Yung tipong, kung anu-ano na ang naging topic n’yo kagabi, pero kinabukasan ay biglang hindi ka na niya chinat. Tip no. 1, huwag kang maggu-good night para may dahilan kang mag-good morning sa kanya kinaumagahan. Take note, mag-good morning sa paraang hindi mawawala ang iyong dignidad. Halimbawa, “Sorry, hindi na kita na-reply-an kagabi. Nakatulog na ako, eh. Btw, good morning.” Proven and tested na ang ganyang strategy para mapahaba ang inyong conversation hanggang sa mga susunod pang araw.

2. HUWAG MANGULIT SA CHAT. Alam kong masaya ka sa tuwing kausap siya, pero know your place, beshie. Huwag na huwag mong sasanayin ang sarili mo na ka-chat siya kada minuto dahil super ma-a-attach ka talaga sa kanya kapag ginawa mo ‘yang hobby. Halimbawa, seen niya lang ‘yung last message mo, then after 2 hours ay seen pa rin. Tip no. 2, ‘wag na ‘wag kang magpa-flood chat sa kanya ng, “Busy ka ba?” “Uyyy, ano’ng ginagawa mo?” “Seen lang?” etc., somehow nakakakilig ‘yan, but at some point, medyo nakaka-turn off din. Better to keep it low key sa tuwing nami-miss mo siya. Instead na mangulit sa kanya sa chat box, magmaganda ka na lang sa IG stories mo. Post a selfie or something na sigurado kang mapapa-reply talaga siya sa ‘yo. Subok ko na ‘yan, beshie!

3. BAGALAN ANG PAG-REPLY. ‘Yung tipong, masaya kayong magkausap, pero biglang hindi mo muna siya re-reply-an. Kumbaga, gagawin mong ‘cliffhanging’ ‘yung conversation n’yo. Halimbawa, may interesting question siya sa iyo, ‘wag mo munang sagutin para mabaliw siya kaiisip sa isasagot mo. I’m sure, beshie, he/she’s into you na kapag kinulit ka niyan.

4. DALANGAN ANG PAG-COMPLIMENT SA KANYA. Mayroong iba na nagbabardagulan sa chat box as their word of affirmation. Iba’t iba rin naman ang trip natin. Normal lang na puriin mo siya, pero huwag na huwag mo siyang sasambahin. Mainam kung once in a blue moon niya lang marinig ‘yung compliment galing sa ‘yo. Kumbaga, out of nowhere mo siyang sinabihan ng “Mas bagay sa ‘yo ‘yung clean cut,” mga ganyan.

5. HUWAG KANG AAMIN. Sabi nga nila, nawawala ang thrill kapag nagkaaminan na. Kaya ‘wag na ‘wag mong pakakawalan ang magic word na “Gusto kita”. Ang tanong, paano kayo magle-level up kung walang maglalakas-loob na umamin? (Okey lang ‘yun para pare-pareho tayong sad. Damay-damay na ‘to. Charot!)

Napakaraming relasyon ang nagsimula sa chat, ngunit marami rin ang nagtapos dahil dito. ‘Yung akala mo, single siya kaya ine-entertain mo ang pakikipag-chat niya. ‘Yung hoping kang i-flex ka niya, ngunit kalaunan ay jowa niya ang nag-flex sa ‘yo sa social media as third party na hindi dapat tularan.

Lesson learned, tiyakin munang single ang ka-chat bago maging totally invested sa feelings. Hindi masama ang mag-play safe. Ang masama ay ‘yung mag-take ng risk sa taong hindi ka sigurado sa totoong intensyon sa ‘yo. Okie?

Sure ka bang single siya? SOCIAL MEDIA APPS NA GAMIT NG MGA CHEATER, ALAMIN!

https://www.bulgaronline.com/post/sure-ka-bang-single-siya-socmed-apps-na-gamit-ng-mga-cheater-alamin

May kausap o ka-chat ka ba sa Viber, Discord, Telegram o Instagram? Sure ka bang real account ang gamit niya? What if, taken pala siya sa Facebook? Hindi naman sa pinag-o-overthink kita, pero paano kung bigla ka na lamang maka-receive ng message request mula sa totoo niyang partner? Ready ka na bang ma-flex sa social media bilang kabet, mang-aagaw, malandi at haliparot?

Alam naman nating lahat na walang kahit sinong tao na pinangarap maging third party in the future. Subalit paano nga ba makikilatis ang mga taong taken na, pero feeling single pa rin— partikular na sa social media?

Upang matulungan kitang makaiwas sa heartache, narito ang iba’t ibang social media applications na madalas gamitin ng mga cheater:

1. VIBER. Huwag kang pumayag na Viber lang ang means of communication n’yo, sapagkat puwedeng-puwede siyang kumuha ng photos sa Google para i-send sa iyo. Puwede ring poser pala siya at picture ng friend niya ang pinagse-send sa ‘yo. Puwede ring tsina-chat ka lang niya gamit ang Viber kapag working hours dahil tuwing nasa trabaho lang niya naa-access ang Viber niya at madaling gawing palusot na work-related ang pinag-uusapan n’yo ru’n incase mahuli siya ng boss o partner niya.

2. DISCORD. Sa app na ito madalas mag-usap ang mga gamer. Puwede kang mag-join sa iba’t ibang server. Mayroon ditong group chat at puwede ring mag-direct sa private message ang dalawang indibidwal. Sa oras na maging consistent ang pag-uusap n’yo through PM sa Discord, try mong tanungin ‘yung kalaro mo kung puwedeng mahingi ang Facebook account niya, para ru’n na lang kayo mag-getting to know each other. Mahirap kasi kung hanggang laro lang din ang feelings niya for you. Para naman sa may karelasyong gamer d’yan, subukan n’yo ring tignan ang Discord ng dyowa n’yo. Who knows, sinu-sino na palang pini-flirt na ka-duo niyan.

3. TELEGRAM. Sabi nila, maganda raw mag-send ng pictures and videos dito dahil hindi pixelated o hindi nagbabago ang resolution mula sa original format o size nu’ng isinend na file. Siyempre, puwede ring mag-PM, ‘yun nga lang, iilan lamang ang gumagamit ng Telegram o TG. Kaya paano ka nakasisiguradong seryoso sa ‘yo ang ka-chat mo r’yan?

4. INSTAGRAM. May ilang indibidwal na mas gusto pang gumamit ng IG dahil napaka-toxic daw ng Facebook world. Ito raw ang social media ng mga lowkey. Pero paano kung kalo-lowkey n’yo ay nilo-lowko ka na pala niya? Char!

5. FACEBOOK. Hindi sapat na assurance ‘yung kausap mo na siya sa Facebook, kung saan mo nakikita ang real time Facebook status and story niya, lalo pa’t limitless ang paggawa ng dummy account. Kahit pa sabihing ka-chat mo siya sa real account niya, hindi ka pa rin makasisiguradong single siya hangga’t hindi mo pa siya nami-meet. Iba pa rin siyempre kung willing siyang i-move to the next level ang talking stage n’yo. ‘Yung tipong, ipapakilala ka niya sa parents and friends niya. ‘Yung hindi lang siya sweet sa chat kundi mas sweet pala siya in person. Oh, ‘di ba!

Bukod sa online dating app kung saan kayo nagkakilala ng ka-chat mo, mas exciting talaga kapag nagkayayaan na kayong lumipat at mag-usap sa ibang social media account. ‘Yung tipong, magpo-focus ka na sa kanya at i-ignore-in mo na ‘yung iba mong kausap sa dating app.

But beshie, don’t forget na kung saang social media app o site ka niya dadalhin, sapagkat tulad ng mga nabanggit, napakaraming social media app na puwedeng gamitin sa panloloko.

Kaya shoutout sa mga couple na nagsimula sa Bumble, Tinder, at iba pang online dating apps d’yan! Kabahan ka na kung mas madalas pang hawak ng dyowa mo ang cellphone niya, sa halip ‘yang kamay mo. Hindi naman sa pinag-o-overthink kita, pero what if sa simpleng “Hi” kung paano kayo nag-umpisa, ay sa isang “Hi” rin pala masisira ang relasyon n’yo?

What if lang naman.

Dahilan kaya may mga taong pinagtagpo pero hindi itinadhana

https://www.bulgaronline.com/post/dahilan-kaya-may-mga-taong-pinagtagpo-pero-hindi-itinadhana

Love is unpredictable. Kapag tinamaan ka, tinamaan ka.

‘Yung tipong, iindahin mo ang lahat ng red flags na mayroon siya kasi walang ibang tama sa paningin mo kundi siya lamang. ‘Yung tipong, gusto mong itama ang mali at gawing puwede ang hindi, makasama lamang siya. Kumbaga, kahit alam mong mali ay ipaglalaban mo pa rin. Wala, eh, nagmahal ka kasi!

Ngunit siyempre, hindi natin ito-tolerate ang adultery, infidelity, unfaithfulness at cheating sa artikulong ito. Pero, paano nga ba natin ma-a-analyze ang puwede at hindi puwede sa isang relasyon?

Bilang concerned citizen, narito ang ilang senaryo na nagsasabing, pinagtagpo lamang kayo pero hindi itinadhana kung:

1. MAY DYOWA O ASAWA NA SIYA. ‘Yung akala mo, single siya kaya pinatulan mo siya, pero kalaunan ay nalaman mong may sabit pala siya at muntik ka pang maging kabet. Naku, beshie, ‘wag mong i-romanticize ang salitang, “You and I against the world,” sapagkat hindi mo deserve maging third party. Siguro, may mga taong pinagtagpo para magkaroon ng thrill ang boring nilang love life, pero hindi para makuntento sa kung ano lamang ang puwede nitong ibigay sa ‘yo.

2. NAKABUNTIS SIYA NG IBANG BABAE. Kapag alam mong may batang involved, sumuko ka na. Huwag kang magpamanipula sa sasabihin niyang, “Paninindigan ko lang ‘yung bata, pero ikaw pa rin ang mahal ko. Hindi tayo magbe-break,” sapagkat kung talagang mahal ka niya ay hindi siya mambubuntis ng iba. Isipin mo na lamang na kung ipagpapatuloy n’yo ang inyong relasyon ay may isa na namang inosenteng sanggol ang madadagdag sa listahan ng mga broken family. Sabihin n’yo mang, “True love conquers all,” ngunit may mga tao talagang pinagtagpo lang, pero hindi itinadhana. Huwag mong ipilit kung hindi puwede lalo’t may batang apektado.

3. TUTOL ANG PAMILYA. Ipagpalagay nating mayaman ang pamilya niya, samantalang simpleng pamumuhay lamang ang mayroon kayo. Kadalasan, estado sa buhay ang pinakamalaking hadlang kaya hindi nagkakatuluyan ang dalawang nagmamahalan. ‘Yung tipong, mamatain ka ng buong angkan niya to the point na sila pa mismo ang mangpe-pressure sa iyo. So, beshie, what if, offer-an ka ng mga magulang niya ng P1-M para lamang lubayan ang anak nila, tatanggapin mo ba?

4. HINDI PA SIYA READY MAG-COMMIT. ‘Yung tipong same vibes kayo at aminado kayong pareho n’yong gusto ang isa’t isa, pero hindi puwedeng maging kayo, sapagkat hindi pa siya handang pumasok sa panibagong relasyon. Aniya, self-love raw muna siya. Kunsabagay, paano niya mamahalin ang iba kung mismong sarili niya ay hindi niya alam kung paano mahalin? Ipagpalagay nating sumugal nga siya sa relasyong hindi pa siya handa, ang ending ay magsusumbatan at mag-aaway lamang kayo hanggang mauwi sa hiwalayan.

5. HINDI PA SIYA NAKAKA-MOVE ON SA EX NIYA. Kahit pa sabihing ex na ‘yun, ano’ng laban mo kung mas matagal ang pinagsamahan nila? Hindi ka naman siguro masokista para pumayag maging panakip-butas, ‘di ba? Siguro nga, may taong pinagtagpo lamang para i-comfort ang isa’t isa.

6. PAREHONG GENDER ANG GUSTO N’YO. Pasintabi sa LGBTQ+ members, baka nga naman parehong lalaki ang gusto n’yo o baka parehong girl ang bet n’yo? Beshie, kahit maglupasay ka pa sa sahig para lamang mabaling sa ‘yo ang puso niya ay hinding-hindi mo siya mapipilit dahil parehong kasarian ang gusto n’yo.

7. MAGKAIBIGAN KAYO. Marahil, pinagtagpo lamang kayo para maging walking diary ng isa’t isa, pero hindi para sa isa’t isa. May ilang magkaibigan na nagka-in love-an, pero piniling mag-stay as friends, sa halip i-level up ang kanilang relationship, upang i-keep ang friendship, dahil sabi nga nila, “Friends can be lovers, but lovers can’t be friends.”

Ngayong alam mo na ang struggles na pinagdaraanan ng bawat nagmamahal— ang tanong, gugustuhin mo pa rin bang ma-in love?

Mga dapat iwasan kung makikipag-meet sa naka-match sa dating app

Na-love at first chat ka na ba? Sa dami ng trial cards na na-experience mo sa pakikipag-talking stage, bakit patuloy ka pa rin sa pagsu-swipe right? Hindi ka pa ba nato-trauma sa internet love?

Ang totoo’y napakakumplikado talaga ng online dating. Hindi ito tulad ng iniisip ng iba na kahit sinong makausap mo over the internet ay magiging dyowa mo na rin instantly. Hindi naman kasi lahat ng nasa dating app o site ay into romantic relationships. ‘Yung iba, looking for mabebentahan ng insurance, kotse, bahay, mai-scam o friends with benefits.

Kaya beshie, sana ay aware ka sa totoong motibo ng kausap mo bago ka pa tuluyang mahulog sa “pogi typings” niya. Mabuti na ‘yung umpisa pa lang ay alam n’yo na ang hinahanap ng isa’t isa para hindi ka mabiktima ng salitang, “Masaya naman tayo, ‘di ba?”

Pero anu-ano ang mga dapat iwasan kapag napagdesisyunan n’yo nang mag-meet? Narito ang ilang tips:

1. ‘WAG MALI-LATE SA DATE. Mapa-babae o lalaki ay hindi dapat nino-normalize ang Filipino time. Nakaka-green flag kung darating ka ahead of time sa meet up place at malaking red flag naman kung ilang oras mong paghihintayin ang ka-meet mo.

2. ‘WAG MANG-INDIAN. ‘Yung tipong, malayo ka pa lang at nakita mo na hindi mo pala type in person ‘yung ka-meet mo, kaya sa halip na sumipot ay bibiglang-liko ka paalis sa meet up place. Tapos, magdadahilan kang may emergency kaya hindi ka nakasipot sa date n’yo. Naku, beshie, bad habit ‘yan!

3. ‘WAG MAGPO-PROXY. Kung conscious ka sa hitsura mo kaya hahanap ka ng friend na magpo-proxy sa date n’yo, very wrong move ‘yan, beshie! Una pa lang, i-inform mo na siyang hindi ka kasing ganda, kasing sexy, kasing pogi o kasing macho nu’ng nasa picture kaya huwag siya masyadong mag-expect sa ‘yo. Wala kayo sa K-Drama. Okie?

4. ‘WAG MAGSASAMA NG CHAPERON. Masisira ang diskarte ng ka-date mo kung alam niyang may ibang nanonood at nakikinig sa inyo. So, beshie, mag-share location ka na lang o magkabit ng hearing device para updated pa rin sa real time tsika ang mga Marites mong friend.

5. ‘WAG BONGGAHAN ANG ARRIVE. Manamit nang naaayon sa lugar upang hindi kayo maging center of attraction. Hindi mo rin dapat ipamukha sa kanya na isa kang high maintenance person dahil iisipin niyang, “Ayyy, out of my league ‘to. Ayoko rito!”

6. ‘WAG MAGING MABOKA. Nakaka-turn off kung puro ikaw lang ‘yung nagsasalita sa buong date. ‘Yung tipong, naikuwento mo na pati buhay ng nanay, ninang at kapitbahay n’yo, samantalang siya ay nandu’n pa rin sa topic na, “Bakit kayo naghiwalay nu’ng ex mo?”

7. ‘WAG MAGING TOUCHY. Upang hindi humantong kung saan ang first date n’yo, obserbahan mong maigi ang bawat galaw niya at ‘wag basta magpadala sa matamis niyang ngiti at nanghi-hypnotize na kindat. Sa paraan pa lang kung paano siya tumingin at humawak sa ‘yo, sana ay ma-gets mo na ang hidden meaning nu’n. Unless, game ka rin sa gusto niya.

8. ‘WAG MAGSE-SELPON. Okey sana kung pi-picture-an ka niya, pero kung mas inatupag pa niya ang pagse-selpon habang kasama ka niya ay nangangahulugan lamang na hindi ka niya gusto o hindi siya masyadong interesado sa ‘yo.

Ilan lamang ‘yan sa mga dapat iwasan during first meet-up upang hindi mauwi sa “Talking stage, gone wrong” at nang hindi siya madagdag sa listahan ng Instagram story o My Day viewers mo.

Matapos pumalpak ang unang date, marami ang nade-depress sa katatanong sa kanilang self-worth. Ilang Facebook users na rin ang nag-deactivate at nagpalit ng kulay itim na profile picture habang nasa healing process.

Beshie, hindi ka naman panget at boring kasama sa personal. Siguro, maling tao lang ‘yung na-swipe right mo. So, tama na ang pag-e-emote, hanap ka na lang ng bagong trauma. Charot!

Walang maka-match? Read mo ‘to! Tips para mag-stand out sa dating app

https://www.bulgaronline.com/post/walang-maka-match-read-mo-to-tips-para-mag-stand-out-sa-dating-app

Kasabay ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya ay nagsimula na ring magbago ang lifestyle ng bawat indibidwal. Dito nga’y naging mas dependent na sila sa internet at ultimo paraan ng panliligaw ay puwede na ring gawin online.

Batay sa research, noong 2013 ay umabot sa 350 million swipes kada-araw o 4,000 users per second ang gumagamit ng Tinder at patuloy pa itong tumaas hanggang pumalo sa 9.6 million ang Tinder users noong 2021. Samantala, ayon naman sa Bumble Modern Relationships Study, 2021, halos kalahati o 49% ng mga Pinoy na na-survey ang naniniwalang posible para sa isang tao na umibig sa pamamagitan ng dating applications.

Sa tulong ng online dating apps na Tinder at Bumble, naging madali sa karamihan na makahanap ng karelasyon. Pero paano nga ba mag-i-stand out ang iyong profile sa kabila ng napakaraming users na tulad mo ring searching for true love?

Dahil dating tambay sa Tinder ang inyong lingkod, narito ang ilang bagay na dapat mong gawin kapag gumawa ka ng online dating account:

1. MAGLAGAY NG INTERESTING PHOTOS. ‘Wag puro naka-swimsuit, topless o halos ibenta mo na ang buong katawan mo para lamang may mag-swipe right sa ‘yo. Sa halip, pumili ka ng pictures na nagsasaad ng profession, hobby o pagiging adventurous mo. May ilan kasi na mas gustong maka-match ay ‘yung outgoing individuals. Lagyan mo na rin ng pamatay-selfie na nagpapakita nang napakaganda mong ngiti, kung saan parang hini-hypnotize mo siya at mapapa-super like talaga siya sa ‘yo. May iba namang pa-mysterious, lowkey, aesthetic o cryptic photos ang inilalagay. As long as interesting ang photo mo, goods na ‘yan, beshie. Tandaan mong pictures ang pinakamahalagang parte ng online dating dahil d’yan unang bumabase ang karamihan kung isa-swipe left o right ka nila.

2. MAGLAGAY NG INTERESTING BIO. Kadalasan ay mahigit 200 word counts lamang ang puwedeng isulat sa bio, but it doesn’t matter how long, ‘coz the shorter intro, the better. Sabi nga nila, Keep It Short & Simple (KISS). ‘Wag na ‘wag mong ilalagay ang talambuhay mo bilang panimula dahil walang magtitiyagang magbasa niyan at saka paano ka pa niya kikilalanin kung idinetalye mo na sa intro ang lahat ng dapat niyang malaman sa iyo? Beshie, subukan mong maglagay ng one liner intro mula sa lyrics ng paborito mong kanta, saying, quotes, emojis o kahit ano na makaka-catch ng attention. ‘Yung iba nga, wala nang intro-intro, eh!

3. MAG-VERIFY NG ACCOUNT. Sa dami ng nagkalat na poser sa social media ay mahirap nang ma-distinguish kung legit ang iyong kausap o hindi, kaya may ilang users na mas gustong i-swipe right ang naka-blue verified account para sure na siya talaga ‘yung nasa picture. Madali lang namang mag-verify ng account, beshie. Bale gagayahin mo lang ‘yung pose na ipapakita on screen, and that’s it. Parang online shopping lang din ‘yan. Siyempre, mas gusto nating mag-add to cart sa verified shop, ‘di ba?

4. I-ADJUST ANG AGE RANGE/LOCATION SETTINGS. Para madali mong ma-filter out ang profile ng mga tao na gusto mong makita sa feed, baguhin mo ang settings ng iyong account. Nakakatamad namang mag-swipe nang mag-swipe kung 27 years old ka na, tapos puro bagets ang nakikita mo sa feed. By that age, siyempre mayroon ka ng ideal person na gustong maka-match. Kung gusto mo na puro young professionals ang makita mo, i-adjust mo sa 25-31 years old ang age range mo. I-adjust mo na rin ang location settings kung ayaw mo na puro foreigner ang nakikita sa feed. Lalabas naman ‘yung age at kung ilang kilometers o miles away sila, eh!

5. MAG-SUBSCRIBE SA GOLD O PLATINUM SUBSCRIPTIONS. Hindi ito advisable, pero kung gusto mo talagang mag-stand out ang iyong profile, si Tinder na mismo ang magbu-boost sa ‘yo para mag-pop nang mag-pop sa feed ng ibang users, once in-avail mo ‘yung gold subscription. Ang kagandahan pa nito ay puwede mong makita kung sinu-sino ‘yung mga nag-swipe right sa ‘yo, kaya hindi ka na mauumay kaka-swipe dahil mamimili ka na lang ng profiles na gusto mong i-swipe back, and then boom! It’s a match!

Gayunman, hindi porke nag-match kayo ay magiging dyowa mo na siya agad. Siyempre, galingan mo rin sa pakikipag-talking stage at huwag puro mixed signals ang ipararamdam mo. Bantayan mong maigi ang red flags at siguraduhing single talaga ang kausap mo.

Sa panahong uso ang online dating, napakasuwerte mo kapag nakatagpo ka ng organic na pagmamahal.

‘Yung typical love story kung saan pumunta ka lang sa party at nagkabanggaan kayo tapos inabot niya sa ‘yo ‘yung nahulog mong panyo, tapos nagpalitan na kayo ng cellphone number at nagkamabutihan.

O kaya naman ay siya pala ‘yung schoolmate mo nu’ng elementary, tapos nagkita ulit kayo makalipas ang ilang taon at nagka-inlaban.

Puwede ring ‘yung best friend o childhood friend mo na umamin sa ‘yong mahal ka pala dati pa. Oh ‘di ba, sana all ganyan kaganda ang twist ng love life.

Pero habang hindi mo pa natatagpuan ang “the one”, mag-enjoy ka muna sa pagsu-swipe left and right at galingan ang pakikipag-usap sa iba’t ibang tao.

Sabi nga nila, talking stages ang hahasa sa iyong communication skills. Kung mag-level up man kayo o yayain ka na niyang makipag-meet up, aba’y congratulations, beshie!

Talking stage gone wrong… Signs na ayaw na sa ‘yo ng kausap mo

bulgaronline.com/post/talking-stage-gone-wrong-signs-na-ayaw-na-sa-yo-ng-kausap-mo

Naninibago ka ba sa biglaang coldness ng ka-talking stage mo? ‘Yung tipong, online naman siya, pero napakatagal niyang basahin ‘yung nag-deliver mong chat sa inbox niya. Worst thing is, nu’ng in-open niya ang message mo ay hindi naman siya nag-reply. Kumbaga, na-seen zone ka lang. Ouch, ‘di ba?!

Ngunit alam mo ba kung ano’ng mas masakit? ‘Yung nakita mong ‘typing’ na siya, pero isang napakatipid na “Slr” lamang ang reply niya’t sinundan pa ng napaka-dry na open-ended topic. Mapapa-‘tsk’ ka na lang talaga!

Upang lalo kang mag-overthink, narito ang ilan pang signs na ayaw na sa ‘yo ng ka-talking stage mo:

1. HINDI NA NIYA NAGE-GETS ‘YUNG JOKES MO. Kung noon ay walang-patid ‘yung pagpapalitan n’yo ng korning punchlines at humored jokes, ngayon ay parang out of this world na siya’t tila hindi na kayo ‘on the same page’.

2. HINDI NA SIYA PALATANONG. Kung noon ay walang tigil ang pagtatanong niya’t very interested siyang malaman ang every single details of you, ngayon, he/she left you hanging, questioning your worth at ang napakaraming “what if”.

3. HINDI NA SIYA PALABIGAY NG TOPIC. Kung noon ay ultimo non-sense topic ay pinagkukuwentuhan n’yo hanggang madaling-araw, ngayon ay ikaw na itong pala-open ng topic para lamang mapahaba ang conversation n’yo.

4. HINDI NA SIYA PALA-UPDATE. ‘Yung mas napapadalas ang pagsasabi niya ng, “Sorry, nakatulog,” “Busy sa work,” “May pinuntahan/inasikaso,” o whatsoever at ang pesteng “Slr” o “Sorry, late reply”. Samantalang noon, kahit nasaan o anuman ang ginagawa niya ay nacha-chat ka pa rin niya.

5. HINDI NA KAYO SAME ENERGY. Ito ‘yung energetic ka sa pagkukuwento at napakarami mo pa sana gustong i-tsika, pero napaka-dry and cold na ng bawat sagot niya. ‘Yung mas nauuna na rin siyang mag-good night sa ‘yo dahil pagod daw siya, samantalang noon, ikaw daw ang pahinga niya.

Hindi naman sa pinag-o-overthink kita, pero what if may bago na siyang kausap o na-turn off na siya sa ‘yo? Baka naman, ikaw talaga ‘tong red flag?

Dapat mo ring tanungin ang sarili mo kung bakit nga ba siya nagsimulang magbago. Pag-isipan mong mabuti kung may nasabi o nagawa ka bang nagpa-discourage sa kanya. Puwede rin kasing bigla na lang niyang na-realize na hindi pa pala siya ready sa relationship.

Mahirap ‘yung hanggang talking stage na lang kayo, pero mas mahirap kung magse-settle ka sa bare minimum. Hangga’t maaga at hindi pa naman ganu’n ka-strong ‘yung foundation na na-build n’yo ay ikaw na itong kumawala.

Gayunman, hindi porke nararamdaman mong malapit ka na niyang i-ghost ay uunahan mo na siya. Ang ipinupunto ko rito, sana ay magkaroon ka pa rin ng lakas ng loob para komprontahin siya’t alamin ang problema. Baka kasi puwede pang maayos, ‘di ba? Pero kung hindi na talaga, magpasalamat at magpaalam ka man lang sa kanya bilang closure, hindi man naging kayo.

Good luck, beshie. Kaya mo ‘yan!

SECOND HAND IPHONE 11 PRO MAX

Hindi ko afford ang brandnew kaya magpapaka-praktikal na lamang ako sa secondhand. Hindi naman kasi bigdeal sa ‘kin ang sumalo sa pinaglumaan ng iba. Ang mahalaga naman ay may nagagamit at napapakinabangan ako.

Ipagpalagay natin na kahit kalalabas pa lamang sa market ng Iphone 11 Pro Max ay nag-aabang na kaagad ako sa online site o trading shop kung may magbebenta na nito dahil expected naman na mayroon ilan Iphone user d’yan na mabilis magsawa at mahilig mag-upgrade kapag may bagong uso. Marunong naman ako kumilatis ng legit na Iphone kaya hinding-hindi ako madadaya kung modus seller man ‘yan!

Sorry, this picture show that I can’t really afford Pro Max.
I only have Iphone 6 on hand.

Pero bakit ganu’n? Bakit kung kailan masaya na ‘ko sa nabili kong Iphone ay biglang may aangkin sa pagmamay-ari ko na?

Sabi n’ya sa kanya raw ‘yon. Pinagbintangan n’ya pa nga ‘kong magnanakaw. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinasabi n’ya dahil malinis naman ang naging transaction namin ng seller na binilihan ko ng Iphone. Mayroong box, resibo at warranty pa nga ‘yon, eh!

Sabi pa ng seller, almost 3 months pa lang daw nito nagagamit ‘yong Iphone at emergency lang kaya kinailangan nito ibenta.

Naniwala naman ako sa seller kasi binigyan n’ya ‘ko nang assurance sa 1 month warranty.

Pero heto nga’t may isang tao na bigla na lamang sumulpot at kine-claim na sa kanya raw itong Iphone na ginagamit ko.

Nang tawagan ko naman yung seller ay pinanindigan nitong pagmamay-ari talaga nito ang Iphone na binenta sa ‘kin. Hindi iyon galing sa nakaw.

Kaya heto ako ngayon, naguguluhan.

Ibabalik ko na ba ‘yong Iphone sa nagke-claim? What if hindi naman talaga sa kanya ‘yon? Pinare-refund ko naman sa seller ‘yung pera kaso nagastos na raw nito.

So, paano na ‘ko ngayon?

Kahit pa sabihing second hand ko lang naman nabili ‘yong Iphone ay malaking halaga pa rin ang in-invest ko. Hellow, Iphone 11 Pro Max kaya ‘yon?!

Minsan talaga, hindi rin okey ang sumalo sa pinaglumaan ng iba. Kahit pa sabihing praktikal ang bumili ng secondhand, ay hindi pa rin maiiwasan ang magkaroon ng issues. Kung alam ko lang na aabot kami sa demandahan edi sana nag-ipon na lamang ako para sa brandnew… Medyo matagal-tagal na pag-iipon nga lang. O kaya, ibang phone nalang sana ang binili ko.

Pero kung praktikalan lang din ang pag-uusapan, bakit nga ba ako magkakanda-kuba sa pagtatrabaho para lang may mai-display na Iphone 11 Pro Max kung pwede naman ako mag-android phone? Halos same specs lang rin naman sila ng mga high end androids pero di hamak na mas mura, ‘di ba? Baka kasi, hindi talaga para sa ‘kin ang Iphone? Imagine, latest model ‘yon, lapitin sa tukso. I mean, pang-akit sa mata ng mga magnanakaw. So, why not switch to 3310 Nokia, instead? Kems!

Please follow MORE Facebook Page for more Hugot Post like this. https://web.facebook.com/learnmooore/photos/a.1575235292569176/2961221990637159/?type=3&theater

HINDI AKO BITTER, PERO HINDI AKO NANINIWALA SA FOREVER

Nakakatawa lang isipin na masyadong ironic ang mundo pagdating sa love. ‘Yun bang may mahal ka pero may iba namang mahal? Kundiman, mahal nyo nga ang isa’t isa pero may hadlang? Ang akala ko talaga noon, one sided na ang pinakamahirap na set up sa lahat, hanggang na-realize kong mas mahirap pala ang You and I against the world-thingy.

Sa dami ng lovestory na na-encounter ko, halos lahat ay pareho lang naman ng kadramahang meron. Sabihin na nating lahat ng happy ending, nagsisimula sa once upon a time, pero hindi lahat ng once upon a time ay nagtatapos sa happy ending. Ang saklap, ‘di ba?!

Hindi ako love expert. Sadyang hindi lang talaga ako naniniwala na may forever. Totoo na Walang forever, dahil kung mayron man, eh ‘di sana sakop parin ng Japan ang Pilipinas, malamang nabubuhay pa rin tayo sa stone age, at sigurado paniwalang-paniwala ka pa rin sa Theory of Evolution.

Kung tutuusin, walang mali sa salitang walang forever, pero bakit nga ba napakarami ng nagiging apektado? ‘Di ba, dapat ngang ipagpasalamat pa ang kawalan ng forever dahil kung meron ay malamang marami pa ring tanga at utu-uto sa mundo? Kumbaga, wala sanang improvement, walang lesson learned, walang history.

Alam kong walang forever dahil naniniwala ako na hindi ako magiging hopeless romantic, forever. Naniniwala ako na makakakikila rin ako ng tamang lalake sa tamang oras at magsasama kami sa tamang panahon kung kailan magiging tama ang mali at magiging puwede ang hindi. Hindi ko man alam kung sino s’ya, ang mahalaga ay hindi ako nauubusan ng paniniwalang wala talagang forever. Kaya sana, ganon ka rin.

Pagdating sa love, dalawang bagay lang naman ‘yan. Una ang happy ending, pangalawa ang tragedy. Hindi porke hindi ka masaya ay iisipin mong katapusan na ng kuwento. It’s not actually the end.

Siguro nasa chapter 2 ka palang o kaya papalapit palang sa climax. Tandaan mong ikaw ang gagawa ng sariling kuwento n’yang buhay mo. Ikaw at ang mga taong nasa paligid mo. Ikaw ang bida at wala kang dahilan para magreklamo sa dami ng pagsubok na dumarating sa ‘yo dahil buhay mo ‘yan. Kung hindi ka magpapa-api, ikaw ang aapihin. Kung hindi ka makikipaglaro, ikaw ang mapaglalaruan. Kaya, kung ayaw mong magreklamo, huwag kang magpa-bida. Hindi ka magiging bida kung hindi ka masasaktan. Hindi ka magiging bida kung wala kang matututunan.

Sa bawat pagsubok at pagkakamali, kalakip no’n ang pagbabago at pagtanggap. Kung hindi ka pa rin masaya, maghintay ka lang dahil darating rin ang tamang tao para sa ‘yo.

Malalaman mong pa-end na ang isang kuwento kapag feel mong kamatayan na lamang ang makakahadlang sa inyo. Malamang, iyon ang tragedy. Hindi man mala-Romeo and Juliet, ang mahalaga ay nakagawa ka ng sarili mong kuwento.

Ang totoo n’yan, ako ‘yung tipo ng tao na magti-tiyagang sumulat ng isang buong nobela para i-dedicate sa taong minahal ko. Ultimo pangalan at pangyayaring involve sa kanya ay detalyado at may magandang symbolism– pero tulad ng ibang kuwento, s’yempre mayroon din ending.

Hindi ako bitter.

Ang bitter ay ‘yong mga taong hindi magawang mag-let go kahit alam naman nilang game over na. Sila ‘yong mga pilit na kumakapit kahit wala ng makakapitan. Minsan pa nga ay ‘yong mga nagmu-move on kahit hindi naman naging sila. Kung tutuusi’y napakaraming puwedeng maging dahilan kung bakit nagiging bitter ang isang tao, sadyang nasa kanila na lang kung paano nila iha-handle ang ka-bitteran nila.

Nakakabingi rin pala ang ma-LSS sayo.

Ikaw,
‘yung musikang paulit-ulit kong pinatutugtog
‘yung notang palagi kong sinasabayan
‘yung himig na madalas kong pampatulog
‘yung mensaheng kay sarap pakinggan sa gabi.

Ngayon​ nga’y,
isa ka na lamang sa mga laman ng playlist ko.
isa sa mga kantang hindi ko na gugustuhing patugtugin pa.
Hindi dahil nakakasawa,
kung ‘di dahil ayoko na.

Pagod na ‘kong makinig sa ‘yo.
Paulit-ulit na lang.
Nakaririndi.
Binging-bingi na ‘ko.